Lolo arestado sa 6 kaso ng rape

Lolo arestado sa 6 kaso ng rape

August 13, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


ZAMBALES– Arestado ang isang lolo matapos madakip ng mga awtoridad sa anim na bilang ng kasong rape sa isinagawang operasyon Huwebes sa bayan ng Masinloc.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Inocencio Acosta, 64-anyos at residente sa Brgy. Inhobol, Masinloc, Zambales.

Sa bisa ng warrant na ipinalabas ni Hon. Maribel F. Mariano-Beltran, ng Regional Trial Court, Br 13FC, Iba, Zambales para sa 6 na bilang ng kasong statutory rape nadakip ang suspek ng pinagsamang pwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company at Philippine National Police-MARITIME Iba Zambales

Ayon sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3), si Acosta ay nasa listahan ng most wanted persons sa naturang bayan.

Hindi naman pinayagan ng korte si Acosta na magpiyansa para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico