Lolo hinulog sa balon ng apo

Lolo hinulog sa balon ng apo

July 8, 2021 @ 1:00 PM 1 year ago


JORDAN, GUIMARAS – PATAY ang isang lolo makaraan ihulog ito sa balon ng sariling apo matapos ang pagtatalo, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ito.

Kinilala ang namatay na si Erning Ojana habang nadakip naman ang suspek na kinilalang Dennis Ojana, at kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Jordan Jordan Municipal Police Station, bandang 9:00 AM nadakip ang suspek sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang maglolo nang bigla na lamang hinulong ng suspek ang kanyang lolo sa balon.

Nagawa naman iahon ng mga kaanak ang bangkay ng biktima mula sa balon habang mabilis na tumakas ang suspek.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya naaresto ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide./Mary Anne Sapico