Lolo huli sa iligal na paggawa ng paputok sa Bulacan

Lolo huli sa iligal na paggawa ng paputok sa Bulacan

December 21, 2022 @ 4:51 PM 1 month ago


Bulacan – Arestado ang isang 64-anyos na lalaking naaktuhang gumagawa ng iba’t ibang klase ng paputok na walang kaukulang permiso sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Eddie Mendonza, jobless, residente ng Brgy. Poblacion.

Sa report ng Bocaue police, ikinasa nila ang operasyon bandang alas-5 ng hapon nitong Martes, Disyembre 20 sa Brgy. Biñang 1st.

Sinasabing naaktuhan ng mga parak ang suspek na gumagawa ng samo’t saring paputok na walang kaukulang permiso kaya agad itong inaresto.

Narekober sa lugar ang 700 pcs kwitis, 500 pcs jumbo gold fountain, 28 pcs unfinished sputnik silver fountain, 1 pc 2 layer pagoda at assorted firecracker/pyrothecnic wrapper na aabot sa halagang P15,700.00.

Nahaharap ang naarestong suspek sa kaukulang kaso na nakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III