Lolo, kasabwat binitbit sa P74K shabu sa Navotas

Lolo, kasabwat binitbit sa P74K shabu sa Navotas

October 7, 2022 @ 2:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang listed drug pusher, kabilang ang 60-anyos na lolo matapos makuhanan ng mahigit sa P74,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City, kimakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Napoleon Naval alyas “Napo”, 43, at Ronaldo Cruz alyas “Jojo Mata”, 60, kapwa tulak.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen kung saan isang undercover police ang nagawang makaiskor ng P500 halaga ng droga sa mga suspek.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Boysan Buenaventura