Lolo kritikal sa lambat

Lolo kritikal sa lambat

May 21, 2022 @ 10:52 AM 1 month ago


BALETE, Aklan- Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang lolo matapos pagtatagain ng kanyang kalugar dahil sa lambat Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Wenifredo Quinicio, 74-anyos at residente sa Agsalay, Morales, Balete.

Naka-hospital arrest naman ang suspek matapos hampasin ng pala ng biktima na kinilalang si Bertito Morales, 66-anyos ng Sitio Lapnag, 66-anyos, ng nasabing barangay.

Batay sa report ng Balete, bandang 6:00 AM naghuhugas ng paa ang biktima sa may balon ilang metro ang layo sa bahay nito.

Dito, bigla na lamang dumating ang suspek na armado ng itak at pinagtataga ang biktima sa braso sa katawan.

Sa kabila ng mga tama ng biktima nagawa pa niyang hampasin ng bitbit niyang pala ang suspek na tinamaan sa tiyan at mukha.

Dinala naman sa ospital ang dalawa para lapatan ng lunas.

Depensa ng suspek nagalit siya sa biktima dahil tinanggal ang mga lambat na hinarang niya sa palayan para hindi pumasok ang mga bibe.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder ang suspek. Mary Anne Sapico