Lolo kulong sa pagbaril sa aso

Lolo kulong sa pagbaril sa aso

January 20, 2023 @ 11:22 AM 3 weeks ago


NUEVA VIZCAYA- KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lolo matapos barilin ang aso makaraan lapain umano ang kanyang alagang kambing, iniulat kahapon sa bayan ng Villaverde.

Nakakulong ngayon sa Villaverde Police Station, ang 69-anyos na suspek ng Barangay Bintawan Sur ng naturang bayan at nahaharap sa patung-patong na kaso.

Batay sa report ng pulisya, nakita ng biktima ang aso ng bigla na lamang niyang pinagbabaril ng dalawang beses at tinamaan sa leeg ang aso at maswerteng nabuhay ito.

Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang improvised na baril at walang kaukulang dokumento.

Depensa ng suspek nilapa ng aso ang kanyang alagang kambing at namatay kaya niya ito binaril./Mary Anne Sapico