Lolo kulong sa paggahasa sa neneng

Lolo kulong sa paggahasa sa neneng

December 23, 2022 @ 1:28 PM 1 month ago


NUEVA VIZCAYA- Shoot sa kulungan ang isang 72-anyos na lolo matapos ireklamo ng panggagahasa sa 12-anyos na neneng, iniulat kahapon, Disyembre 22 sa lalawigang ito.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape ang nakakulong na suspek sa lock-up cell ng Kayapa Police Station na itinago sa pangalang Lolo Kanor, ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang magulang ng grade 7 student na neneng para pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Kwento ng biktima, bandang 8:00 ng gabi nang sapilitan siyang dinala ng suspek sa inuupahan bahay nito saka isinakatuparan ang makamundo nitong pagnanasa hanggang sa makaraos.

Hindi na nagawa pang manlaban ng biktima dahil tinakot siyang papatayin kapag magsumbong kaninoman.

Subalit, pag-uwi ng biktima sa kanilang tahanan agad siyang nagsumbong sa kanyang tiyahin hinggil sa panggagahasa sa kanya ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito. Mary Anne Sapico