Lolo na mangingisda lang, bangkay na nang makita ng pamilya

Lolo na mangingisda lang, bangkay na nang makita ng pamilya

March 13, 2021 @ 3:15 PM 1 year ago


ILOCOS SUR – Isang 60-anyos na lalaki ang nadiskubreng palutang-lutang sa ilog sa Brgy. Suksukit, Sto. Domingo ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Sto. Domingo Police ang biktima na si Mario Pagud y Basa, 60, may asawa, mangingisda, residente ng Brgy. Sagsagat, San Ildefonso ng naturang lalawigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na maaga umanong nagpaalam ang biktima sa kanyang asawang si Narcisa Reyes Pagud para manghuli ng isda.

Bandang 9:50 ng umaga, natagpuang palutang-lutang sa naturang ilog si Pagud.

Pinaniniwalaang nalunod ang biktima habang nanghuhuli ng isda.

Ang biktima ay  isinugod sa Northside Doctors Hospital sa Bantay, Ilocos Sur.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng kanyang attending physician. Rolando S. Gamoso