Lolo na most wanted, dinampot sa Navotas

Lolo na most wanted, dinampot sa Navotas

March 18, 2023 @ 11:50 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binitbit sa selda ang isang 63-anyos na lolo na listed bilang most wanted matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Macario Dela Cruz ng 61 Roldan St. Tangos, Navotas City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS, kasam ang Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Luis Rufo Jr, ng joint manhunt operation na nagresulra sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-4:30 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Dela Cruz ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Triaql Court (RTC) Branch 72, Malabon City, noong May 23, 2016, para sa paglabag sa Section 7 Art II RA 9165.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Navotas CPS ang akusado habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng korte. Boysan Buenaventura