Lolo na wanted sa frustrated homicide sa Navotas, isinelda

Lolo na wanted sa frustrated homicide sa Navotas, isinelda

January 15, 2023 @ 1:43 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinampot ng pulisya ang isang 63-anyos na lolo na wanted sa kasong frustrated homicide sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Mario Bidon ng 166 M. Domingo St., Brgy. Tangos.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-3:30 ng hapon.

Si Bidon ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 para sa kasong Frustrated Homicide noong Agosto 7, 2015. Boysan Buenaventura