Lolo naburyong sa bahay ‘di pinalabas vs COVID, nagbigti-patay

Lolo naburyong sa bahay ‘di pinalabas vs COVID, nagbigti-patay

January 13, 2022 @ 11:00 AM 1 week ago


TUGUEGARAO CITY- Sa kabila ng pag-iingat ng kanyang mga anak sa isang 84-anyos na matanda para hindi tamaan ng COVID-19, nagpasyang wakasan ang sariling buhay ng huli sa pamamagitan ng pagbigti matapos na pagbawalang lumabas.

Ang nasbaing biktima ay residente sa Sunshine Valley Homes, Pengue Ruyu, Tuguegarao City.

Sinabi ni PLt. Rosemari Taguiam ng PNP Tuguegarao, itinali ng biktima ang kanyang leeg at ang kabilang dulo sa kanilang kama at tumalon sa bintana.

Kuwento ng kasambahay, naalimpungatan na lamang siya sa malakas na kalabog mula sa silid ng kanyang mga amo sa pag-aakalang nahulog lang ito.

Tinungo niya ang silid ng mag-asawang amo at duon niya nakita ang among lalaki na nakabigti sa bintana.

Sinabi naman ng misis ng biktima na hindi niya namalayan ang ginawa ng mister dahil sa himbing na pagkakatulog niya.

Aniya, bago ang insidente nagsabi ang biktima na wala ng silbing mabuhay pa dahil sa hindi siya pinapayagan ng kanyang anak na lumabas ng bahay dahil upang makaiwas sa kumakalat at nakamamatay na virus./Mary Anne Sapico