Lolo nagmaoy; tingga pinangpulutan sa kainuman

Lolo nagmaoy; tingga pinangpulutan sa kainuman

March 11, 2023 @ 12:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 75-anyos na lalaki sa Antipolo City makaraang pagbabarilin umano ang kanyang katoma.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakikipag-inuman ang 75-anyos na suspek sa kanyang mga kaibigan sa loob ng kanyang bahay nang bigla itong magalit.

Tumakbo ang dalawang biktima, habang patuloy silang pinagbabaril ng suspek. Isa sa mga biktima ang sugatan.

Bumalik ang suspek sa kanyang bahay at nagkulong sa loob.

Gumamit naman ng drone ang Antipolo Police para bantayan ang bahay. Nakumbinsi rin nila ang suspek na sumuko.

“May pinagdadaanan itong ano natin yung suspect kasi allegedly iniwan ng asawa pati ng pamilya so mag-isa na lang siya doon,” ani Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Antipolo Police chief. RNT