Lolo nahuling nakaibabaw sa misis ng kagawad, sinaksak ng kahoy sa ulo

Lolo nahuling nakaibabaw sa misis ng kagawad, sinaksak ng kahoy sa ulo

November 22, 2021 @ 10:25 AM 6 days ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang senior citizen matapos pagsusuntukin at saksakin sa ulo sa bayan ng Sigay ng lalawigang ito.

Ang biktima ay 69-anyos na lalaki, may asawa, isang magsasaka samantalang ang itinuturong suspek ay isang barangay kagawad, 50-anyos, kalugar ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek ay bumisita sa bahay ng kanyang asawang di umano’y mayroong mental disorder.

Pagdating doon ay nakita ng suspek ang biktima na nasa ibabaw ng kanyang misis kaya pinagsusuntok niya ito ng apat na beses sa ulo at saka sinaksak din sa ulo ng matulis na kahoy.

Sa isinagawang interogasyon ng mga pulis sa suspek, boluntaryong inamin nito ang kanyang nagawang krimen.

Ang suspek ay nasa kustodya ngayon ng mga otoridad. Rolando S. Gamoso