Lolo namatay sa panggigigil sa loob ng motel

Lolo namatay sa panggigigil sa loob ng motel

June 21, 2021 @ 3:22 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN DE ORO CITY- Hindi na-kontrol ang labis na kasabikan at panggigigil sa babaeng kanyang ka-romansahan sa loob ng motel matapos umanong malagutan ng hininga, kahapon ng hapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Wildon Sobrado, 62-anyos, truck driver, ng Brgy. Macabalan ng nasabing lungsod habang pinaghahanap naman ang babaeng kasama nito .

Batay sa report ng Divisoria Police Station, naganap ang krimen sa loob ng motel na matatagpuan sa Capistrano Pacana St. ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang biktima sa loob ng motel kasama ang isang babae na hindi pa nakikilala.

Matapos ang oras na kinuha ng biktima at kasama nito ay nagtaka ang mga room boy na hindi pa sila lumalabas sa kanilang silid.

Dahil dito, napilitan buksan ang pinto ng silid at bumungad sa kanilang harapan ang nakaluhod na pa ng biktima at wala ng buhay habang wala na ang babaeng kasama nito na posibleng tumakas dahil sa takot.

Hinala ng mga otoridad posibleng may ininom ang biktima ng male enhancement pills at hindi nito nakayanan ang epekto na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •