Lolo naningil ng utang, patay sa suntok ng tanod

Lolo naningil ng utang, patay sa suntok ng tanod

September 30, 2022 @ 12:35 PM 2 months ago


BUCAY, Abra- NAUWI sa panununtok patay ang inuman ng isang lolo at barangay tanod matapos umanong singilin ng una ang huli sa utang nito na nauwi sa mainitang pagtatalo kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Jacinto Tenebro,62-anyos, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ronald Tagura, 40-anyos, at kapwa residente sa Barangay Bugbog sa Bucay, Abra.

Batay sa report ng Bucay Municipal Police Station, naganap ang insidente Huwebes sa nasabing lugar .

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang dalawa ng biglang lamang umanong uutang ang suspek sa biktima.

Sinabihan ng biktima ang suspek na bayaran muna nito ang nauna pa niyang inutang na ikinagalit ng suspek hanggang sa pinagsusuntok si Tenebro.

Sa lakas ng pagkakasuntok bumagsak ang biktima at tumama ang ulo nito sa semento na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis naman nadakip ang suspek ng mga rumespondeng pulis na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide./Mary Anne Sapico