Lolo Narding babasahan na ng sakdal

Lolo Narding babasahan na ng sakdal

January 20, 2022 @ 7:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Itinakda ng 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan, Pangasinan ang arraignment para sa 80 anyos na si Leonardo “Lolo Narding” Flores na naaresto at nakulong dahil sa pagnanakaw umano ng 10 kilos ng mangga mula sa puno umano ng kapitbahay.

Sa inilabas na kautusan ni Judge Sarah Marcos-Martin, isasagawa ang pagbasa ng sakdal laban kay Lolo Narding sa Pebrero 8.

Naging viral si Lolo Narding ng ipost sa social media ng Asingan Police ang mugshot ni Flores.

Pansamantalang nakalaya si Lolo Narding matapos magtulong tulong ang mga pulis at mga netizen para makalikom ng P6,000 na piyansa. Teresa Tavares