‘Lolo Narding’ ‘di nagnakaw ng mangga; pinamulot lang – Asingan top cop

‘Lolo Narding’ ‘di nagnakaw ng mangga; pinamulot lang – Asingan top cop

January 22, 2022 @ 10:15 AM 8 months ago


Manila, Philippines — Dumepensa ang hepe ng kapulisan ng Asignan, Pangasinan sa mga kumakalat na balita na ninakaw ng 80-anyos na si ‘Lolo Narding’ ang mga mangga.

Paglilinaw ni police chief Major Napoleon Eleccion, pinamulot lamang ni Leonardo Flores ang mga mangga.

Hindi rin ito ikinulong pagkadala sa kanya sa police headquarters.

“Maling-mali naman po kasi ‘yong headlines na si Tatay, nagnakaw.  Hindi po, namitas lang naman po ng mangga, dahil ang kine-claim ni Tatay, noong kabataan niya, no’ng bata pa, siya ‘yong nagtanim.  So itong may-ari naman ng lupa, kine-claim niya, ‘yong lupa, sa kanya, pati na rin ‘yong mangga, which is si Tatay naman tinitignan niya mula pagkabata.”

Base pa kay Eleccion, bigong nakapagsampa si Flores ng counter-affidavit kung kaya’t naisyuhan ng arrest warrant.

Iginiit din na walang naganap na pamumuwersa sa pag-aresto kay Flores.

Si Flores ay nabigyan ng pansamantalang kalayaan nang may magbayad ng kanyang bail na nasa P6,000. RNT/FGDC