Lolo rapist na #9 TMWP sa region 2, himas rehas

Lolo rapist na #9 TMWP sa region 2, himas rehas

October 9, 2022 @ 2:27 PM 2 months ago


CAGAYAN VALLEY – Himas rehas ang isang lolo na Top 9 Most Wanted Person o TMWP sa Women and Children Protection Desk o WCPD Regional level matapos maaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa Barangay Cabaruan dito sa Lungsod.

Ayon kay PLtCol. Sherwin Cuntapay, hepe ng Cauayan City Police Station ay matagumpay na nahuli ang akusadong si Domingo de Vera, 61 anyos, mekaniko at residente ng Barangay District II, Cauayan City, Isabela.

Batay sa inisyu ni Judge Ariel Palce, nahaharap ang akusado sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa ng korte.

Dahil dito, pinuri ni PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang pamunuan ni PLtCol. Cuntapay sa matagumpay na pagkaaresto ng akusado bilang pagtugon sa direktiba ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa kanyang programang ‘Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran’ o M+K+K=K.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Cauayan City Police Station ang akusado habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento. Rey Velasco