Lolo rapist sa 13-anyos, himas rehas

Lolo rapist sa 13-anyos, himas rehas

May 25, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


ALFONSO LISTA, IFUGAO- Himas rehas ang isang lolong akusado sa panggagahasa sa isang 13-anyos matapos mahuli ng kapulisan sa nasabing bayan.

Ang inaresto ay pansamantala itinago sa pangalang Cris, 65 anyos habang ang biktima ay kanyang kapitbahay na itinago sa pangalang Lhea.

Ayon sa pulisya  13 anyos  lamang ang biktima ng maganap ang krimen noong nakaraang taon at ngayon lamang lumabas ang warrant of arrest ng  akusado na isinilbi ng mga kapulisan.

Batay sa inilabas na warrant of arrest laban sa akusado ay walang inirekomendang piyansa para sa  pansamantalang kalayaan. Rey Velasco