Lolong rider nabundol, dedo

Lolong rider nabundol, dedo

October 7, 2018 @ 11:57 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang 64-anyos na rider matapos mabangga ng isang SUV kagabi sa Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section nakilala ang biktima na si Epifanio Reloza Cremat.

Nabatid na dakong alas-4:15 kahapon nang mangyari ang insidente sa intersection ng Remedios street corner M .H . Dell Pilanstreet, Emiita Maynila

Hawak naman ng pulisya, ang nakabangga na si Fernando Gascon Fernandez, 56.

Patungo umano ng eastward ng Remedios street si Epifanio sakay ng kanyang Euro motorcycle habang binabagtas naman ni Fernandez ang  southbound ng M.H.Del Pilar street, Ermita sakay ng kanyang Toyota Vios.

Pagsapit sa nasabing intersection, nagsalpukan na ang harapang bahagi ng  dalawang sasakyan dahilan upang bumagsak sa konkretong semento si Epifanio.

Agad namang isinugod ng nagrespondeng Red Cross Ambulance  sa Philippine General Hospital si Epifanio  ngunit namatay rin ito habang nilalapatan ng lunas ganap na alas-9:10 ng gabi.

Dinala naman sa  Remedios PCP PS-5 ng MPD si Fernandez para sa imbestigasyon na nakatakdang sampahan ng Reckless Imprudence resulting in Homicide and Damage to Property.

Habang ang labi ng nasawi ay dinala sa St. Peter Funeral Services para sa Safekeeping at Autopsy Examination. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)