Lomachenko silat kay Lopez

Lomachenko silat kay Lopez

October 19, 2020 @ 3:48 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

LAS VEGAS – Hindi sumang-ayon si dating three-division world champion Vasyl Lomachenko sa naging pagkatalo nito kay Teofimo Lopez via unanimous decision (UD) at sinabing mali ang naging iskor ng mga hurado dahil siya ang tunay na nanalo.

Nauwi sa 12 round fight ang laban ng dalawa nitong Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas, kung saan nagwagi si Lopez via UD sa iskor card na 119-109, 117-111 at 116-112.

“I think in the first half of the fight he got more rounds than I did but on the second half of the fight I took it over,” ani Lomachenko sa pamamagitan ng kanyang interpreter sa interview ng Top Rank Boxing.

“I was much better, but I want to go home to review the fight. I’m definitely not agreeing with the scorecards.”

Dahil sa panalo, si Lopez ang naging pinakabatang four-belt champion sa history sa edad na 23 years old at kaisa-isang fighter na humawak ng WBC, WBA, IBF at WBO sa lightweight division. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...