Loman vs Fernandes magsasagpa sa ONE Fight Night

Loman vs Fernandes magsasagpa sa ONE Fight Night

October 21, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagupa sina Stephen Loman ng Team Lakay at dating ONE bantamweight world champion na si Bibiano Fernandes sa ONE Fight Night 4 sa Nobyembre 19 sa Singapore Indoor Stadium.

Si Loman, isang dating Brave Combat Federation bantamweight champion na may professional mixed martial arts record na 16-2, ay galing sa unanimous decision win laban sa Japanese veteran na si Shoko Sato noong Marso.

“Sobrang saya ko sa pagkakataong ito. Ngayon makikita ng mga tao ang resulta ng lahat ng pagsusumikap at pagsasanay na nagawa ko,” sabi ni Loman.

“Excited na talaga ako sa laban na ito. Si Bibiano ay isa sa mga nangungunang contenders pa rin sa dibisyon kaya isang panalo dito at ako ay maaaring susunod sa linya para sa titulo.

Samantala, si Fernandes ay 24-5 bilang isang pro at pinakanaaalala ng mga Pinoy fight fans para sa kanyang mapait na tunggalian sa ex-ONE bantamweight world champion ng Team Lakay na si Kevin Belingon. Huli siyang lumaban noong Marso nang mawala ang kanyang world title noon kay John Lineker sa pamamagitan ng knockout.