Lone bettor sa DavSur, wagi ng P35M!

Lone bettor sa DavSur, wagi ng P35M!

January 19, 2023 @ 8:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Wagi at instant milyonaryo ang nag-iisang bettor mula sa Davao del Sur province matapos mahulaan ang tamang six-digit combination ng Lotto 6/42 noong Martes ng gabi.

Sa isang advisory noong Miyerkoles, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nahulaan ng bettor ang panalong kumbinasyon ng 34-24-02-06-33-07, na may kabuuang jackpot prize na PHP35,314,806.60.

Ang ticket ay binili sa Davao City, Davao del Sur.

May kabuuang 27 bettors naman ang nanalo ng PHP24,000 bawat isa para sa paghula ng lima sa anim na winning digit; 1,357 ay makakakuha ng PHP800 bawat isa para sa apat na tamang digit; at 25,109 ay magbabayad ng PHP20 bawat isa para sa tatlong tamang digit.

Ang 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Samantala, sinabi ng PCSO na isa sa dalawang nanalo ng jackpot ng Grand Lotto 6/55 jackpot prize na PHP142,580,483 na ibinola noong Enero 7 ang nag-claim ng premyo sa main office nito sa Mandaluyong City.

Ang mga nanalong tiket ay binili sa Calamba City, Laguna province at Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Isang 50-anyos na tricycle driver mula sa Calamba City ang tuluyang inangkin ang kanyang mga napanalunan sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City. Nanalo siya ng kalahati ng jackpot prize matapos bumili ng ticket na may winning combination na 44-13-19-33-27-39.

Sinabi ng nanalo na mahigit isang dekada na siyang naglalaro ng lotto. RNT