Long Covid: Pananatili ng sintomas kahit pa gumaling, tinututukan na ng mga eksperto

Long Covid: Pananatili ng sintomas kahit pa gumaling, tinututukan na ng mga eksperto

February 22, 2021 @ 3:00 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tinututukan at binibigyan na rin ng atensyong-medikal ang pagkakaroon ng long-run COVID-19 symptoms sa mga nakarekober na sa sakit.

Ito ay matapos kilalanin ng mga eksperto ang sakit na tinatawag na “long Covid.”

Ayon sa mga eksperto, ang long Covid ay ang mga sintomas sanhi ng pagtugon ng katawan ng tao sa virus kahit pa nakarekober na ito.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, nangunguna sa San Lazaro Hospital Infectious Diseases, nasa libo na ang pasyente na dating tinamaan ng sakit ang muling nakararanas ng long Covid o mga kumplikasyon matapos dapuan ng virus.

Karamihan sa mga sintomas ay sobrang pagod, hirap sa pagtulog, pagiging makakalimutin, at kawalan ng panlasa at pang-amoy.

Bukod dito, mayroon din umanong severe symptoms tulad ng pneumonia o sakit sa puso, na nagiging sanhi ng pagkamatay.

“We already recognize that this Long Covid is already an accepted and recognized complication among patients who recovered from COVID-19 and there are already a lot of patients especially for our local patients,” ayon kay Solante.

Nagsasagawa rin ang mga medical experts ng counselling sa mga pasyente na dinadapuan rin ng ‘psychological effect’ dahil sa hindi mawalang mga sintomas.

Maaring ang mga sintomas o kumplikasyon ay dulot ng pagiging stress ng immune system ng katawan sa paglaban sa virus ayon naman kay Dr. Eric Tayag, direktor ng Knowledge Mangement and Information Technology Service ng Department of Health.

Dagdag pa ni Tayag, napakahala aniya na huwag balewalain ang anomang sintomas o pagkakasakit na walang kaugnayan sa sa COVID-19. Jocelyn Domenden-Tabangcura


  •  
  •  
  •