‘Long COVID’ posible sa  10- 15% ng infected  person — DOH

‘Long COVID’ posible sa  10- 15% ng infected  person — DOH

January 13, 2022 @ 3:23 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Posibleng nakararanas ng ‘long COVID’ ang 15 porsyento ng COVID-19 patients, ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Kung nakararanas pa rin ng sintomas ang indibidwal kahit pa nakarekober na ito pagkatapos ng 30 araw, posibleng ito ay may ‘long COVID.

“Alam mo, itong long COVID nakita nila ‘to sa mga COVID patients, 10 to 15 percent ng mga ito, since last year,” lahad ni Vega sa Laging Handa briefing.

“After 30 days, post-COVID kung mayroon ka [health problems], ito na ‘yung sinasabing long COVID.”

Paliwanag ni Vega, ilang COVID-19 survivors ang nakararanas ng mahabang panahon ng kakapusan sa paghinga, heart inflammation, kidney problems, at mental fogginess.

 “’Pag tinamaan ka nito talaga ay kailangan ng ano lang—walang gamot ito kundi rehabilitation and hoping na mag-improve uli ‘yung paghinga mo, ‘yung muscles mo, mawawala na ‘yung fatigue, at saka ‘yung ano niyo, ‘yung heart,” paliwanag pa ni Vega. RNT/FGDC