Long COVID symptoms posibleng umabot ‘gang 18 buwan – pag-aaral

Long COVID symptoms posibleng umabot ‘gang 18 buwan – pag-aaral

October 17, 2022 @ 9:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Karamihan sa mga pasyente ng COVID-19 na may sintomas hanggang 12 buwan ay posibleng makaranas nito hanggang 18 buwan, batay sa bagong datos.

Ito ay base sa pag-aaral sa 33,281 indibidwal sa Scotland na nagpositibo sa coronavirus.

Sa subset ng 197 survivors ng symptomatic SARS-CoV-2 infections na nakakumpleto ng survey sa 12 at 18 buwan, karamihan ay nakapag-ulat ng sintomas sa parehong time points, ayon sa researchers sa Nature Communications.

Naitala ang no recovery sa loob ng 12 buwan sa 11% na may 51% partial recovery at 39% complete recovery. Naitala naman sa 18 buwan ang 11% no recovery, 51% partial, at 38% complete.

Hindi iniuugnay ang asymptomatic infections sa long COVID. Subalit sa 31,486 indibidwal na may symptomatic infections, halos kalahati ang nakapag-ulat ng incomplete recovery mula anim hanggang 18 buwan.

May kabuuang 3,744 participants na may symptomatic infections ang nagsagot sa questionnaires nang dalawang beses. Sa anim na buwan, 8% ang nakapag-ulat ng no recovery, 47% ang partial recovery, at 45% ang complete recovery. Hindi ito gaanong nagbago sa loob ng 12 buwan, kung saan 8% ang nag-ulat ng no recovery, 46% partial recovery, at 46% complete recovery.

Isa sa 20 pasyente na may symptomatic infection ang nakapag-ulat ng no recovery, batay sa researchers.

“Our study is important because it adds to our understanding of long COVID in the general population, not just in those people who need to be admitted to hospital with COVID-19,” ayon kay study leader Jill Pell ng University of Glasgow said.

Natuklasan din sa pag-aaral na ang pagpapabakuna bago masapul ng impeksyon ay pumoprotekta laban sa long-term symptoms. RNT/SA