Long jump queen Marestella handang bumalik sa SEA Games

Long jump queen Marestella handang bumalik sa SEA Games

February 28, 2022 @ 10:04 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sa edad na 41, nanatiling masigla para sa kanyang huling pagsabak sa international competition ang beteranong long jumper na si Marestella Sunang-Torres na inaasahang mag-popodium finish sa 31st Vietnam Southeast Asian Games.

Nagpapakita ng vintage form, nagpakita si Sunang ng husay kung bakit siya dapat makasama sa pambansang koponan noong Linggo matapos pangunahan ang kanyang pet event nang tumalon ng 6.11 metro sa pagtatapos ng Milo-PATAFA Performance and Time Trials para sa 31st SEA Games sa Imus Sports Complex sa Imus city, Cavite.

Ipinakita ang dahilan kung bakit siya naging 4-time Southeast Asian Games long jump queen, nagawa niya ito sa kanyang pangalawang pagtalon, na nakaganti kontra sa nakababatang karibal na si Katherine Kay Santos, 31, na pumangala sa tinalong 5.80 metro.

Si Abcde Agamos (5.49) ay pangatlo.

Bagama’t kapwa tumalon ng 6.11 metro, tinalo nagbabalik na si Santos ang kanyang kilalang karibal mula sa bayan ng San Jose, Negros Oriental sa countback sa Ayala Philippine Athletic Championships sa Baguio City noong Disyembre.

“Masayo ako sa talon ko. Naging maganda ang fitness and conditioning ko (I am happy with my jumps. My fitness and conditioning was fine),” ani Sunang sa kanyang 5 centimeters na imprubment kontra sa kanyang huling performance sa Pines City dalawang buwan na ang nakalilipas.

Kulang pa ito sa qualifying bronze-medal standard na 6.16 meters sa nakaraang 2019 SEA Games athletic competition na ginanap sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac, bagama’t sinabi ni national jump coach Joebert Delicano na unti-unti nang naaabot ni Sunang.

Sinabi ni Delicano na ang resulta ng atleta noong Disyembre ay bunga ng halos 2 buwang pagsasanay matapos ang mahabang layoff dahil sa COVID0-19 pandemic kaya “parang hinog sa pilit (ripened by force). Ang focus namin sa oras na iyon ay fitness at conditioning.”

Dahil sa edad ng atleta, ibinunyag ni Delicano na kailangan nilang higpitan ang training program ni Sunang na may mas mahabang recovery period sa pagitan ng mga pagtatanghal at pagputol ng kanyang mga hakbang mula 20 hanggang 18 bago mag-take-off upang mapanatili ang lakas sa kanyang mga binti.JC