Long-term plan vs landslide, tututukan ni  PBBM

Long-term plan vs landslide, tututukan ni  PBBM

October 31, 2022 @ 4:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. is ang long-term plan upang tugunan ang baha dulot ng pag-ulan.

Ito ang inihayag ni Marcos nitong Lunes sa distribusyon ng tulong sa mga indibidwal na apektado ng Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae) sa Noveleta, Cavite.

“Yung inikot nga namin, ‘yung mga flood control natin, ‘yung mga dike natin, wala na, na-erode erode na.

“Kaya ‘yun ang dapat nating tignan na magkakaroon tayo ng plano na long term para kahit na lumakas ang tubig nang husto ay hindi nagguguho ang lupa at hindi na tayo inaabutan ng mga landslide na ‘yun ang nagiging problema,” aniya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng preemptive evacuation.

“Ang pinaka-importante kapag alam nating may parating na bagyo ay mayroon tayong evacuation na preemptive.

“Yan ang nangyari dito, sa aking palagay, kahit na ganyan ang laki ang kalamidad, hindi naman ganu’n kalaki ang bilang ng casualty. Ngunit ang damage sa infrastructure ay mabigat,” sabi niya.

Ikinabahala ni Marcos ang mataas na death toll ni Paeng sa bansa, na pumalo na sa 98.

Tinanong niya kung bakit hindi agad inilikas ang mga indibidwal.

Batay sa pinakabagong datos ng pamahalaan, halo 1.8 milyong indibidwal ang pinalikas dahil kay Paeng.

Inaasahang lalabas si Paeng ng Philippine Area of Responsibility ngayong hapon o mamayang gabi. RNT/SA