Long-term solution sa inflation, ipinanawagan ng poultry sector

Long-term solution sa inflation, ipinanawagan ng poultry sector

February 26, 2023 @ 10:49 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang poultry stakeholders sa pamahalaan na bumuo ng pangmatagalan na solusyon upang labanan ang mataas na inflation kasabay ang pagpapanatili ng sapat na suplay ng mga manok sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ng stakeholders na nasapul ng mataas na inflation ang poultry sector.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) chairman Gregorio San Diego, nasa all-time high umano ang presyo ng mga feeds, dahilan para tumaas din ang kanilang cost of production.

Noong nakaraang taon, nanatili sa 5.7% ang inflation kasunod ng impact ng giyera sa Ukraine at Russia na lubhang nakaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi naman ni American Chamber of Commerce agribusiness committee chairman Christopher Ilagan na naging mapagmatyag ang poultry sector laban sa mga salik na maaari pang magpataas sa presyo ng mga produkto, partikular ang input costs, mga sakit sa hayop at general supply levels.

Ayon sa poultry stakeholders, ang pagbawas sa taripa sa mais ay nakatulong sa industriya na mapanatili ang kaaya-ayang presyo sa kabila ng mataas na inflation.

Anila, ang mais ay bumubuo ng 60% ng kanilang feed costs.

Sa kabila nito, sinabi ni Ilagan na dapat pag-isipan ng pamahalaan ang minimum access volume (MAV) ng 217,000 metriko tonelada dahil sa malaking kakulangan na aabot sa tatlo hanggang limang milyong MT.

ā€œAn increase in the MAV quota for corn coupled with a more equitable distribution of MAV allocations can more drastically help bring down corn prices, which saw a 26% increase,ā€ ani Ilagan.

Sinegundahan naman ng Vitarich Corp., isang poultry at feed manufacturing firm, ang sentimyentong ito at sinabing hindi sapat ang suplay ng mais.

Ayon kay Vitarich spokesperson Karen Jimeno, ang ideal situation ay dapat magkaroon ng stable na presyo ng mais ngayong taon upang hindi mapuruhan sa mataas na input costs.

ā€œThe right policies should be put in place as soon as possible so that the price of inputs can be stabilized sooner,ā€ ani Jimeno.

ā€œIt’s really the purchasing power of the consumers that determines our selling price.ā€

Dahil dito, nais ng stakeholders na magkaroon ng reactive solutions katulad ng pagdaragdag sa imports kasabay ng long-term solutions ng pamahalaan upang masuportahan ang local value chain.

Sinabi ni Jimeno na dapat pang pagbutihin ng pamahalaan ang imprastruktura at rasyonalisasyon sa buwis na ipinapataw ng national at local government.

ā€œFor instance, poultry producers pay varying local taxes when simply passing through different cities or municipalities; apart from the cost, the lack of uniformity makes doing business more complicated,ā€ aniya.

ā€œThe local chicken industry has the capacity to meet market demand, but there are factors that prevent it from ramping up consistently,ā€ dagdag niya.

Samantala, sinabi naman ni Jimeno at San Diego na kulang ang datos mula sa pamahalaan na nagiging dahilan upang mahirapan ang mga local producers ng kanilang magiging produksyon.

ā€œThe government must create a complete and accurate data system for the whole of agriculture so that Filipino farmers will be properly guided in production,ā€ ani San Diego.

ā€œWe must use data-driven decision-making so we can manage the ebb and flow of supply versus demand. The government must constantly communicate and collaborate with all stakeholders to find solutions so we can thrive even in uncertain conditions,ā€ sinabi naman ni Jimeno. RNT/JGC