LOONA namayagpag sa ‘World Digital Song Sales’ ng Billboard!

LOONA namayagpag sa ‘World Digital Song Sales’ ng Billboard!

April 27, 2022 @ 9:03 AM 1 month ago



SEOUL, South Korea – Muli na namang pinahanga ng sikat ng Kpop group na LOONA ang mga fans sa kanilang pinakabagong awitin na ‘Shake It’.

Ito ay makaraang umakyat sa top spot ng ‘World Digital Song Sales’ ng Billboard ang naturang awitin.

Nagmarka ito ng ikalawang pagkakataon na ang awitin ng LOONA ay mamayagpag sa naturang chart makaraang ang kanilang 2019 single na ‘365’.

Ang ‘Shake It’ rin ang kauna-unahang awitin na mag peak sa number one spot na nagmula sa mga competition shows ng MNET katulad ng ‘Queendom’, ‘Road to Kingdom’, ‘Kingdom:Legendary War’ at ‘Queendom 2’. RNT/JGC