Lopez umatras sa pagka-alkalde sa Maynila

Lopez umatras sa pagka-alkalde sa Maynila

October 8, 2021 @ 10:11 AM 1 year ago


MANILA, Philippines –  Hindi na tutuloy sa pagtakbo bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si 1st District Congressman Manny Lopez.

Ito ang kumalat sa social media kung saan maghahain na lamang umano si Lopez ng certificate of candidacy (COC) bilang re-electionist sa pagiging kongresista sa nasabing distrito sa Maynila.

Si Lopez, anak ni dating Manila Mayor Gemiliano ‘Mel” Lopez Jr., ay nasa ikalawang termino bilang kongresista ng Distrito 1 ng Maynila.

Matatandaan na inendorso kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez bilang pambato ng PDP-Laban sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila.

Samantala, hindi naman nagbigay ng komento ang pinsan nitong si dating Manila 2nd District Congressman Carlo Lopez hinggil sa kumalat na balita sa social media hinggil sap ag-atras ng kanyang pinsan na si Cong. Manny. JAY Reyes