Loren Legarda nakaboto na sa Antique

Loren Legarda nakaboto na sa Antique

May 9, 2022 @ 1:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tapos na ring bumoto si Antique Lone District Congresswoman Loren Legarda sa Mag-aba Elementary School sa Barangay Mag-aba, Pandan, Antique, nitong Lunes ng umaga.

Nakapila na ang senadora alas-6 pa lamang ng ymaga.

“Maaga po tayong tumungo sa voting precinct sa Mag-aba Elementary School sa aking hometown sa Pandan, Antique para bumoto. Ang botong ito ay para sa patuloy na pagbangon ng ating bayan,” pahayag ni Legarda. 

“Hinihikayat ko pong bumoto na rin kayo para sa mas maginhawa at progresibong kinabukasan para sa lahat,” aniya pa.

Kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador ng Pilipinas si Legarda.

Samantala, bumoto na rin si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Aparri East Central School, Cagayan. RNT/SA