Loren Legarda, nanumpa bilang Senador

Loren Legarda, nanumpa bilang Senador

June 27, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanumpa si outgoing Antique Representative Loren Legarda sa kanyang ika-apat na termino bilang senador sa 19th Congress.

Isinagawa ang panunumpa kasama ang ilang opisyal ng Antique sa EBJ Freedom Park sa San Jose De Buenavista Municipality, Antique Province.

“Today marks my 22nd year as your lawmaker. I stand honored and proud before you to accept my mandate once again, to be your Senator for the fourth time,” ayon kay Legarda sa kanyang inauguration speech nitong Lunes.

“Trabaho at kabuhayan. Ito ang dapat nating patuloy na isulong lalo na’t hindi pa tapos ang ating laban sa kasalukuyang pandemya at sa krisis ng klima,” aniya.

Ayon kay Legarda na kanyang tutuguna ang ilang sector at isyu sa pagiging mambabatas kabilang ang estudyante at edukasyon, livelihood and provincial micro, small, and medium enterprises (MSMEs); health; at climate change.

“Kasama rin sa ating isusulong ay ang pagpasa ng One Tablet, One Student Act na makatutulong sa ating mga mag-aaral na harapin ang pandemya ngayon,” giit ni Legarda.

Sinabi ni Legarda na kanyang nasaksihan ang hindi nagagamit na posibilidad ng milyong Filipino tulad ng weavers, entrepreneurs, indigenous communities, at cultural creatives.

“There is so much potential for growth in our rural areas. We need to expand our reach to include local entrepreneurs and indigenous communities and ensure that everyone benefits from government programs such as the MSME Law,” aniya.

“We need the full implementation of the Universal Health Care Act. The Law was passed in 2019 and yet Filipinos are still desperately trying to gain access to the assistance intended for them,“ ayon pa kay Legarda.

“Nature-based solutions will be the new currency as the world works towards resilience. The key is involving local communities and other stakeholder groups in both the design and implementation of plans,” dagdag niya.

Binanggit din ni Legarda ang kanyang pagkapanalo sa nakaraang halalan na pumangalawa sa lahat ng kandidato bilang senador.

“I am humbled by the overwhelming mandate I have received from more than 24.2 million people, and I am overflowing with gratitude. Like the past twenty-four years, I will carry and keep ablaze the torch of unity, reform, and good governance alongside the new leadership,” aniya. Ernie Reyes