Lorenzana, incoming NSA Carlos nagpulong

Lorenzana, incoming NSA Carlos nagpulong

June 26, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Sabado na kamakailan ay nakipagpulong siya kay incoming National Security Adviser Clarita Carlos.

Ayon kay Lorenzana, naganap ang pagpupulong ilang araw na ang nakalilipas, na inilarawan niya bilang “insightful.”

“Her appointment is actually like a homecoming to the Department since she previously served as the 16th president of the National Defense College of the Philippines from 1998 to 2001,” aniya sa isang Facebook post.

“Known for being feisty and media savvy, she holds the distinction of being the first and only female civilian to lead the higher institution for national defense and security,” dagdag niya.

Pinili nu President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Carlos bilang kanyang National Security Adviser.

Ayon kay Marcos, si Carlos, retiradong political science professor, ay makatutulong sa kanyang administrasyon dahil sa kaalaman niya sa foreign policy at international politics. 

Ang National Security Council, na nasa ilalim ng Office of the President, ay ang principal advisory body sa koordinasyon at integrasyon ng mga plano na nakaaapekto sa national security. RNT/SA