Lorenzana nagnegatibo sa COVID-19

Lorenzana nagnegatibo sa COVID-19

July 15, 2020 @ 3:36 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakaligtas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang magpositibo sa virus ang aide nito.

Naunang sinabi ni Lorenzana na sasailalim ito sa self-quarantine makaraang tamaan ng coronavirus ang kasapi sa staff nito.

“My test came out negative,” aniya sa isang mensahe.

Nagpositibo ang aide ng 71-anyos na defense chief at kasama niya ito nang bumisita ang opisyal sa mga sundalo sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Lorenzana na “was in seclusion” ang kanyang aide at hindi nakisalamuha kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumipad ito pabalik ng Maynila na nakasuot ng full safety gear. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...