Lorenzana nasa maayos nang kalagayan – DND

Lorenzana nasa maayos nang kalagayan – DND

June 12, 2022 @ 2:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Maayos na ang kalagayan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos mawalan ng malay sa kasagsagan ng Independence Day rite sa Rizal Park sa Manila nitong Linggo ng umaga, ayon sa Department of National Defense.

“Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana is currently in stable condition and has been advised to rest after fainting during the Independence Day Flag Raising Ceremony at Rizal Park this morning, June 12,” pahayag ni DND spokesperson Director Arsenio Andolong.

Ayon kay Andolong, “hectic” ang iskedyul ni Lorenzana nitong mga nakaraang linggo, na sinabayan pa ng mainit na panahon ngayong araw kung kaya nawalan ng malay ang DND chief.

“His hectic schedule during the last few weeks and the extreme temperatures in Luneta earlier today may have resulted in his fatigue,” aniya.

“The SND just arrived from Singapore early this morning after attending the IISS Shangri-La Dialogue and meeting with his foreign counterparts,” dagdag na pahayag nito.

“The Secretary also traveled recently to South Korea and other parts of the Philippines, while overseeing the defense operations of the country and transition to a new administration,” sabi pa ni Andolong

Inilahad naman ni Senator Bong Go, na naroon din sa Rizal Park, na dinala si Lorenzana sa ospital sakay ng ambulansya. RNT/SA