Lorenzana sa China: Pagkumpuni sa BRP Sierra Madre, ‘di niyo pwedeng pigilan

Lorenzana sa China: Pagkumpuni sa BRP Sierra Madre, ‘di niyo pwedeng pigilan

June 29, 2022 @ 11:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi mapipigilan ng China ang Piipinas na kumpunihin ang BRP Sierra Madre (LS57), isang lumang barko na nagsisilbing detachment sa mga tropang gobyerno sa Ayungin Shoal sa Kalayaan Group of Islands.

Pinagbawalan kasi ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Pilipinas na magdala ng mga construction materials para ayusin ang BRP Sierra Madre .

Sinabi ni Lorenzana na nakausap na niya si Chinese Ambassador Huang Xilian hinggil sa bagay na ito.

“Sabi ko, your people cannot do that,” ayon kay Lorenzana sa isang ress briefing sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, tinukoy ang Chinese Ambassador.

“We have supplied that detachment for the past, 1998 pa yan eh, more than 20 years na … So you cannot prevent us from repairing that,” dagdag na pahayag ni Lorenzana sabay sabing ipagpapatuloy ng bansa ang pagdadala ng suplay sa nasabing barko.

Binigyang diin pa ng Kalihim na ang BRP Sierra Madre “has not been decommissioned or pulled out of service yet.”

“We have to maintain, in a way, the ship kasi di pa nadecomission yan. It is still part of the Philippine Navy,” ayon kay Lorenaza.

Samantala, paalala pa ng Kalihim sa China, papasok ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika kapag sapilitan o may ginawang masama ang China sa BRP Sierra Madre (LS 57). Kris Jose