Lotilla bilang DOE chief OK na sa CA panel

Lotilla bilang DOE chief OK na sa CA panel

December 7, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) committee on energy ang pag-apruba sa ad-interim appointment ni Raphael Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy.

Ito ay makalipas ang ikatlong pagdinig na isinagawa ng CA nitong Miyerkules, Disyembre 7.

Matatandaan na dalawang beses nasuspinde ang deliberasyon para sa appointment ni Lotilla dahil sa kakulangan ng oras.

Bago ang pag-apruba ng CA committee, sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, na siyang umuupo sa mga pagdinig, na nauna nito ay humiling si SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na iurong sa susunod na taon ang deliberasyon para sa appointment ni Lotilla.

Sa kabila nito ay sinabi ni Legarda na siya at si Senate President Juan Miguel Zubiri ay tumugon na isagawa na ang kumpirmasyon.

“[We spoke with them] realizing the urgency of the task at hand that you must be able to do your job well, efficiently, effectively without undue favors, in a fair manner as we know you will because this is a very important sector and this involves the Filipino people,” ani Legarda. RNT/JGC