Lotlot at ate Guy, laging magkasama, di bet i-PDA sa socmed!

Lotlot at ate Guy, laging magkasama, di bet i-PDA sa socmed!

October 21, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Napabalita noon na nagkaayos na ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon. Ang huli umano ang gumawa ng move para magkaayos na sila ng una.

Nang ma-hospital si ate Guy, dinalaw at binantayan raw kasi siya ni Lotlot na naging dahilan para magkaayos na sila.

Nang tanungin si Lotlot kung kelan at paano sila nagkaayos ni ate Guy ay ayaw naman niyang idetalye.

“Bastaaaaa,” ang sagot ni Lotlot na tumili sa interview sa kanya ng Pep.ph.

“Importante ay okey na!” sabay tawa niya.

“Ganoon naman, e. Minsan hindi naman pinaplano ang lahat ng bagay. Minsan nangyayari na lang. Basta okey na,” sabi pa niya.

Sa pagkakaayos nina ate Guy at Lolot ay nagkaroon na ulit sila ng communication.

“Yeah, I was just with her a few days ago. Magkasama kami.

“Kaya lang hindi rin kasi para…

“‘Di ba, ‘yung magpo-post ka nang magpo-post?

“Kasi, hindi naman importante ‘yun, e. Ang importante is what I have with her at the moment,” dagdag pa ni Balot.

Ayaw pala i-post o i-Public Display pf Affection ni Balot ang sweet moments nila ni Ate Guy.

Samantala, super happy rin si Lotlot sa pagkilala sa kanyang mommy Nora bilang National Artist For Film

“Ay, yeah! Grateful ako, at finally it was given to her,” sabi niya.

Sobrang proud si Lotlot na napasama na sa hanay ng National Artists ang ina.

“Nakaka-proud lang talaga. We’re all proud of her.

“I think the whole country is proud of my mom’s accomplishment. Nakakatuwa lang talaga ‘yung recognition na ibinigay sa kanya,” aniya pa. Rommel Placente