Lotlot, bantay ni Ate Guy sa ospital, nagkabati na!

Lotlot, bantay ni Ate Guy sa ospital, nagkabati na!

June 21, 2022 @ 7:45 PM 5 days ago


Manila, Philippines – Sa wakas ay nagkabati na ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon.

Matatandaang bumilang din ng maraming taon bago sila nagkaayos.

Among Nora’s children, si Lotlot ang pinakahuli sa mga nakasundong muli ng Superstar.

Nitong June 16 nga’y hindi nakadalo si Nora sa conferment ng ipinagkaloob na National Artist Award sa Malacanang.

Tumayong proxy ni Nora ang apat niyang anak na sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth.

Hindi binigyan si Nora ng clearance o permiso ng kanyang doktor.

Naiulat namin dito sa Remate Online na nakadepende si Nora sa oxygen para makahinga.

Habang ang apat niyang anak ang tumanggap ng parangal, si Lotlot ang nagbabantay kay Nora sa ospital.

Inaasahang makakadalo si Nora sa tribute ng mga National Artist honorees sa June 29 sa Cultural Center of the Philippines. Ronnie Carrasco III