Lotlot, sinupalpal ang Noranians!

Lotlot, sinupalpal ang Noranians!

January 14, 2022 @ 11:45 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Sarkastikong sinupalpal ni Lotlot de Leon ang isang netizen na dismayado sa kanyang no-show sa post-holiday gathering ng kanyang pamilya na naganap sa tahanan ni Nora Aunor.

Tinotoo ni Ian de Leon at mga adopted siblings na sina Matet, Kiko at Kenneth ang kasabihang “Huli man daw at magaking ay maihahabol pa rin.”

Nito kasing mga nagdaang araw ay sinorpresa ng mga magkakapatid ang kanilang inang si Nora na dinalaw nila sa bahay nito.

Kasama ng mga magkakapatid ang kanilang respective partners at anak.

Ganoon nga ang tuwa ng Superstar na nagpa-games pa sa kanyang mga apo. Ikinatuwa ng premyadong aktres ang pagtawag sa kanya na “Mama Guy” ng mga ito sa halip na i-address siya bilang lola.

Pero kapansin-pansin na wala sa okasyon si Lotlot.

Dahil dito’y umalma ang mga Noranians, obyus na nagtatampo kay Mrs. El-Soury.

Post ng isang dismayadong netizen, maliit pa raw si Lotlot ay sinusubaybayan na niya ito. At dahil sa ginawa nito’y ia-unfollow na lang daw siya ng netizen sa social media.

Himutok pa nito, sana raw ay hindi gumaya kay Lotlot ang mga anak nito kung paanong itrato ang ina. Kung hindi raw kasi inampon ni Nora si Lotlot ay hindi nito mararating ang kinalalagyan niya.

Hindi ‘yon pinalampas ni Lotlot na rumesbak sa sarkastikong paraan.

Aniya, baka raw kulang pa ang ipinost nitong panghuhusga, “Baka may idadagdag pa po kayo. Noted na noted po.” Ronnie Carrasco III