Lotto outlet nasiraan ng printer sa dami ng tumataya… Jackpot prize nasa P1 bilyon na

Lotto outlet nasiraan ng printer sa dami ng tumataya… Jackpot prize nasa P1 bilyon na

October 9, 2018 @ 1:44 PM 4 years ago


 

Abra – Sa dami ng tumataya, isang lotto outlet sa Abra ang nasiraan ng printer para sa Ultra Lotto 6/58.

Dahil dito ay kinailangang magsara ng outlet sa Bangued, Abra para ipaalam sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang bumigay na printer para agad na mapalitan.

Ngayong gabi, araw ng Martes nakatakdang bolahin ang hindi matama-tamaan na Ultra Lotto 6/58 kung saan sumampa na sa P1 bilyon ang jackpot prize.

Ito na ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas ayon kay PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Cases

“Phenomenal po ito, record-breaking. Imagine, one billion pesos. ‘Di po namin inaasahan… Ang wish din namin sana po marami ang tumama,” aniya.

Dahil sa ilang linggong ‘di matsambahang lotto ay pumalo na rin sa halos P5 bilyon ang kinita ng PCSO mula sa mga tumataya sa Ultra Lotto simula pa noong Pebrero. (Remate News Team)