Louise delos Reyes, ‘tanga’ sa pakikipagrelasyon!

Louise delos Reyes, ‘tanga’ sa pakikipagrelasyon!

January 24, 2022 @ 11:09 AM 8 months ago


Manila, Philippines – “Borderline tanga na talaga!”

‘Yan ang pahayag ng aktres na si Louise delos Reyes nang tinanong kung hanggang saan ang limitasyon niya sa pagbibigay ng ‘second chances’ sa pakikipagrelasyon.

Napag-usapan kasi sa mediacon ng pelikulang “The Wife” ang mga love partners na hindi sumusuko sa isang relasyon kahit na nagtataksil na ang kanilang better half. ‘Yun na rin kasi ang tema ng nasabing pelikula ng Viva.

“Ako kasi, kapag may karelasyon ako, like may boyfriend ako now, hangga’t pwede kong bigyan ng second chance, e, ibibigay ko. Hindi ako sumusuko agad lalo na kapag malalim na ang pinagsamahan namin,” sabi pa ni Louise.

Sakto pala in real life ang character ni Louise sa pelikulang “The Wife” dahil ganu’n din katatag ang kanyang kapit sa pakikipagrelasyon kahit na nagtataksil na ang kanyang asawa na sa pelikula ay ginagampanan ni Diego Loyzaga.

Haist! Tama nga ang sinabi ni Louise na malapit na siyang maging ‘tanga’ sa pakikipagrelasyon.

Anyway, ang nasabing movie ay mula sa direksyon ni Denise O’Hara, na kinilalang Best Director ng Gawad Urian noong 2019.

Ang “The Wife” ay isang adult drama na mapapanood na exclusively sa Vivamax on February 11. Kasama rin sa pelikula ang newbie sexy star na si Cara Gonzales. JP Ignacio