‘Love Dive’ ng IVE, patok na patok sa domestic charts

‘Love Dive’ ng IVE, patok na patok sa domestic charts

June 21, 2022 @ 12:05 PM 1 week ago


SEOUL, South Korea – Ayaw talagang mag paawat ng ‘Love Dive’ ng Kpop girl group na IVE.

Ito ay makaraang mapanatili nito ang mataas na ranking sa domestic music charts sa Korea.

Sa pinakahuling impormasyon, nag-peak sa number 1 spot ng Melon daily chart ang ‘Love Dive’ kahit na dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay ilabas ng grupo.

Maliban dito, namamayagpag rin sa mga local music charts sa Korea ang awitin tulad na lamang ng VIBE na 24 days nang nasa number one spot.

Halos dalawang buwan na rin na nasa number one spot ang ‘Love Dive’ sa music platform na VIBE at 3rd spot sa GENIE. RNT/JGC