#LoveIsAllWeNeed, panawagan ng showbiz celebs sa Senado

#LoveIsAllWeNeed, panawagan ng showbiz celebs sa Senado

July 24, 2018 @ 7:50 PM 5 years ago


Umapela ang ilang showbiz personality sa mga mambabatas na ipasa na ang batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT Community mula sa diskriminasyon.

Nanguna rito si Anne Curtis kasama ang ilan pang mga artista sa pag-post ng #LoveIsAllWeNeed sa social media kung saan, naka-tag pa rito si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at sina senators Manny Pacquiao at  Joel Villanueva, na salungat sa anti-discrimination bill.

“There’s nothing more I want for them than to have equal rights as citizens of this country,” ayon sa post ni Anne.

Dagdag pa ng TV host-actress, na gusto niyang mabuhay sa bansang malaya sa diskriminasyon.

Bukod kay Anne, ilan pang mga kilalang mga personalidad ang nag-post sa kanilang mga social media account kabilang sina Karen Davila, Bianca Gonzales, BJ Pascual at iba pa.

Simula kasi noong Setyembre pa ng nakaraang taon nakabinbin ang SOGIE (Sexual Orientation Gender Identity and Expression) Equality Bill sa mataas na kapulungan. (Remate News Team)