Loverboy nahuthutan ng P.4M ng love scammer

Loverboy nahuthutan ng P.4M ng love scammer

September 8, 2022 @ 6:24 PM 2 weeks ago


TARLAC- ARESTADO ang isang lalaki na sangkot sa “love scam” sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group at Tarlac City Municipal Police Station, Lunes sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Brigadier General Joel B Doria, Director PNP-ACG, Malayo, nadakip ang hindi pinangalanang suspek sa loob ng mall sa Barangay Cutcut 1, Tarlac City.

Nag-ugat ang panloloko ng suspek matapos hingan nito ang isa sa kanyang mga biktima ng P400,000.00 na nakilala sa social media.

Gumamit ang suspek ng pangalan babae na bilang isang Janifer Natalia at miyembro ng US Army na nakatalaga sa bansang Yemen at nagsimula ang kanilang relasyon noong Abril 19, 2022.

Nagpost rin ang suspek hinggil sa package na naglalaman ng USD 1.2M.

Simula buwan ng Hunyo, nakatanggap ng mga text messages ang biktima mula sa unregistered number at nagpakilala itong Lucy Diaz, na tauhan ng Bureau of Customs at humihingi ng P400,000.00 nilang bayad sa parcel.

Napaniwala naman ang biktima na kanyang kausap ay totoong tao kaya nakumbinsi siyang magpadala ng nasabing pera sa pamamagitan ng money wire transfer, e-wallet at bank transactions.

Hindi pa nakuntento ang suspek at sunod-sunod na siyang humihingi ng pera sa biktima kaya humingi na ito ng tulong sa PNP-ACG na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

“Ang ating patuloy na paalala sa ating publiko ay maging maingat sa paggamit ng social media, maging mapagmatyag at huwag agad magtiwala sa mga estrangherong nakakausap lalo na kapag may kasamang pera na ang usapan. Kung ikaw ay nabiktima, magsampa lamang ng reklamo sa ating PNP ACG offices o sa viber number 09618298083 o tumawag sa (02)7230401 Local 7491,” ani pa ni Malayo.

Nahaharap ngayon ang suspek at kasabwat nito sa kasong paglabag sa Art. 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) and Art. 315 (Swindling/Estafa) as amended by R.A. No. 10951, in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 also known as Cybercrime Prevention Act of 2012.

Muli naman nagpaalala sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa “love scams” na gumagamit ng mga scammers profile na madalas nangyayari sa social media sites at mga dating apps./Mary Anne Sapico