Lovi, ‘di kayang mang-umbag ng jowa!

Lovi, ‘di kayang mang-umbag ng jowa!

January 26, 2023 @ 3:39 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pagkatapos na ilibot at manalo ng awards sa international film festivals abroad ang kontrobersyal na pelikulang “Latay”, masaya si Lovi Poe dahil finally ay magkakaroon na ng chance ang kanyang mga kababayan na mapanood ang award-winning movie sa local theaters.

“Siyempre, gusto rin siyang mapanood ng ating mga kababayan at ma-appreciate nila kung bakit nanalo ang pinagpagurang movie namin sa international filmfests abroad,” aniya.

Ayon pa kay Lovi, nahirapan daw talaga siya sa kanyang role bilang umbagero ng mister sa nasabing obra.

“Mahirap talaga siya for me. The last thing I would do is magbuhat ng kamay. Arguments pa lang iniiwasan na. As much as possible, ayokong makasakit even like sa verbal abuse. May eksena na minamaliit ko ang asawa ko, doon pa lang nahirapan na ako.

“With the help of Direk, he had to hold my hand and guide me. It was a difficult thing to do especially with my loved ones to physically and emotionally abuse someone. Thanks na lang kina Direk at Allen dahil kung hindi dahil sa kanila baka mas nahirapan pa ako,” sey ni Lovi.

Hirit pa niya, kung may perversions ang love at papipiliin siya sa pagiging masokista o sadista, mas bet daw niya na siya na lang ang masaktan.

“Mas tatanggapin ko na ako na lang ang masaktan. Ayokong mabitbit sa konsensya ko na nakasakit ako ng ibang tao. I’ve probably be selfish in that way pero alam kong kaya kong tingnan sa mga mata ang isang tao na wala akong ginawang masama,” paliwanag niya.

Sa “Latay,” ginagampanan ni Lovi ang papel ng umbagerang asawa ni Allen Dizon kung saan siya nagwagi ng best actress sa 10th International Manhattan Film Festival.

Mula sa produksyon ng BG Films ni Ms. Baby Go with Dennis Evangelista, Ferdy Lapuz at Jean Go-Marasigan as co-producers at sa direksyon ni Ralston Jover, ang pelikula ay tumatalakay sa tema ng battered husbands.

Palabas na simula sa Pebrero 8, ang “Latay” at nagtatampok din kina Allen Dizon, Snooky Serna, Mariel de Leon at Soliman Cruz. Archie Liao