Lovi, malamig ang magiging Valentine!

Lovi, malamig ang magiging Valentine!

January 15, 2023 @ 7:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Medyo sad ang magiging kaarawan at Valentine’s Day ni Lovi Poe.

By then kasi’y nakabalik na sa United Kingdom ang nobyo niyang si Montgomery or Monty Blencowe.

Lovi turns a year older on February 11.

Ang dapat sana’y araw din ng mga magsing-irog on February 14 ay mag-isang ipagdidiwang ni Lovi.

As we write this ay narito pa sa bansa si Monty but he has to fly back to UK to attend to some pressing commitments.

Maging ang Valentine concert ni Lovi with Tirso Cruz III, Bobot Mortiz at Christopher de Leon at an earlier date ay hindi na rin mapapanood ni Monty.

Isang film producer si Monty sa kanilang bansa.

Nakapagtataka nga lang na wala itong nilulutong film project para kay Lovi.

Pero may collaboration naman daw sila kung saan nagpapadala sila ng Filipino talents abroad.

Very appreciative naman si Lovi sa support ng nobyo sa ating industriya.

Aminado ang aktres na mahirap ang sitwasyon nila ni Monty who are into long distance relationship o LDR.

Pero mabuti na rin daw ‘yon dahil hindi masakit sa ulo unlike when they’re physically together.

Monty is in town as he opted to spend the holidays with Lovi.

If he’s too busy with work, it’s Lovi who goes to UK.

Samantala, bibigyan daw ng kakaibang atake ni Lovi ang role sa Batang Quiapo, na dating ginampanan ni Maricel Soriano. Ronnie Carrasco III