Lovi, may hugot sa mga rider!

Lovi, may hugot sa mga rider!

December 27, 2022 @ 6:39 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Marami ang naaliw sa ginawang analogy ni Lovi Poe sa hirap maka-book ng delivery sa inorder na pagkain this holiday season.

The past days nga naman at posibleng sa mga darating na araw ay pahirapang makahanap ng booking for ordered food online.

Post ni Lovi sa kanyang Twitter account: “Ang grab rider, parang tsismis…walang gustong mag-confirm!”

Nakaka-relate ang marami who rely on delivery apps for their food.

Kesa nga naman makaranas ang mga tao ng hassle, they would rather have their food delivered.

By placing their order through the app, hindi na nga naman sila para makipagsiksikan sa mga fastfood at dumagdag pa sa makapal na traffic sa labas.

Much more convenient pa, basta bayad ang purchased item at rider’s fee.

Kaso, ang problema’y kulang sa mga rider na magdedeliber ng inorder na pagkain.

Pero may isang rider ang sumagot sa post ni Lovi.

Kaya raw nagkakaubusan ng mga rider ay dahil nasa kani-kanilang pamilya ang mga ito to spend their holidays.

Ang lagay daw ba’y wala nang karapatan ang mga rider to spend Christmas with their families?

Still another netizen compared delivery riders to tricycle drivers.

Sa dami raw ng mga pasahero ay afford nilang mang-isnab ng mga gustong sumakay sa kanila kesehodang kinakawayan mo pa sila to get a ride.

Naghihimutok si Lovi dahil sa inabot na hirap sa pagpapa-deliver ng pagkain noong bisperas ng Pasko.

Samantala, hindi pinalampas ni Lovi ang panonood ng Labyu With an Accent na pelikula ni Coco Martin kasama si Jodi Sta. Maria na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Short of “pagsisipsip” daw ‘yon kay Coco na makakasama ni Lovi sa TV adaptation ng Batang Quiapo na mapapanood sa ABS-CBN next year. Ronnie Carrasco III