Low fertility target naabot nang Pinas, mas maaga ng 3 taon – PopCom

Low fertility target naabot nang Pinas, mas maaga ng 3 taon – PopCom

February 20, 2022 @ 9:56 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nakamit ng Pilipinas ang 2025 targets na ibaba ang fertility rates, ng mas maaga ng tatlong taon.

“We are seeing 2025 as a watershed year. We may have accelerated the demographic transition in this pandemic. That will make it easier for us to recover the fact that we have lower birth rates, but of course, our economy needs to improve,” ayon kay POPCOM Undersecretary Juan Antonio Perez III.

Ang fertility rate ng bansa ay pumalo na sa 2.5 births per woman, kapantay ng ASEAN neighbors nito gaya ng Indonesia, Thailand, at Malaysia.

Gayunman, maraming lugar sa labas ng NCR ang nananatiling may mataas na fertility rate.

“Despite the financial burden of families now being lighter with fewer children to provide for, “demographic dividend” can only be achieved when unmet needs are addressed, specifically by the next administration,” ayon kay Perez.

“There is an unmet need for housing, education, opportunities for young people, and specifically unmet needs for seniors [such as] their health and other services as they continue to grow,” dagdag na pahayag ni Perez.

Ang demographic dividend ay tumutukoy sa economic growth na naranasan ng bansa bilang resulta ng pagbabago sa population structure nito.

Aniya pa, ang mababang fertility rates ay hindi nangangahulugan na ang populasyon ng bansa “will become older soon.”

“I think the workforce will continue to be a young workforce probably until the 2040s and 2050s,” pagtiyak nito.

“The Philippines’ long period of high fertility rate ensured that the country’s population will continue to be young for several years more with an average population age of 25 years old. Of the entire population 63 percent are in the workforce,” aniya pa rin.

Gayunman, ang economic growth ay nahahadlangan ng malaking bilang ng mga tao na walang hanapbuhay at pinalala ng lockdowns dahil sa pandemiya. Kris Jose